Saturday, April 5, 2014

92 " MUS NA SA CAJIDIOCAN," AUG 16, 2013

92. " MUS NA SA CAJIDIOCAN," 3/4, LYRICS/MELODY BY LOLO BOMBOY, AUGUST 16, 2013
-
LYRICS:
-
Kari na kamo 
Sa Cajidiocan
Mamasyar kita
Sa may Sibuyan
Isa ng Isla
Dira sa Romblon
Nagahuyat lang
Ina sa aton
-
Kakalma-kalma
Ang dagat dira
Kag damo ang nyog
Puede masaka
Mahigup kita
Sabaw ng butong
Tapos maglangoy
Hasta magduyom
-
Makanta kita
Dira sa baybay
Kag mas maayo
Kung may magtangway
Indi matapos
Aton kalipay
Sa Cajidiocan
Sa kada adlaw
-
Mga amigo
Kari na kamo
Sa Cajidiocan
Kita Makadto
-
Toronto, Ontario, August 16, 2013

87 " AYUSIN NATIN ANG ATING WIKA," AUG 31, 2013

87. " AYUSIN NATIN ANG ATING WIKA," 3/4, LYRICS/MELODY BY LOLO BOMBOY, AUGUST 31, 2013
-
LYRICS:
-

Ano'ng matigas
Ang meron ba dyan
Kay igsi igsi
Ng iyong short pants
Maig-is din ba
Nasa loob niyan
Si Aling ano'y
Manglambot diyan
-
Nakakagulat
Usong salitang
Namumutawi
Sa mga bata
Ang matatanda
Tulad ni lolo
Napapailing
Ng dahil dito
-
Ano na kaya
Ang dapat gawin
Para mabago
Ang wika natin
Mapaganda pa
Ang ating wika
Nang di na tayo
Natutulala
-
Salung puwit daw
Gawin ng bangko
Dahil na rin nga
Sa 'ting pag-upo
-
Markham, Ontario, August 31, 2013

86 " ISANG KANTA DAHIL SA IYO," AUG 31, 2013

86 " ISANG KANTA DAHIL SA IYO," 3/4,LYRICS/MELODY BY LOLO BOMBOY, AUGUST 31, 2013

H'wag mag-alala
Aling Anita
Ang sinabi mo'y
Sadyang kay ganda
Dahil sa ako'y
Magsusulat na
Para sa iyo
Isang kanta pa
-
Nagdilang angel
Ang kyibigan ko
Ang aking kanta'y
Nasimulan ko
Di magtatagal
Tapos na ito
Laki ng tuwa
Nasa puso ko
-
Ganyang talaga
Taong matanda
Di na mahirap
Na sya'y matuwa
Sa kunting discount
Na nakakamtan
Hanggang langit na
Ang kasiyahan
-
Kaya Anita
Salamat sa'yo
Isa pang kanta
Naisulat ko
-
Markham, Ontario, August 31, 2013

85 " KAPAYAPA-AN ATING IPUNLAS," AUG 31, 2013

85. " KAPAYAPA-AN ATING IPUNLA," 3/4, LYRICS/MELODY BY LOLO BOMBOY, AUGUST 31, 2013
-
LYRICS:
-

Habang tahimik
Dito sa mundo
Halina kayo
Kumanta tayo
Kaya'y tumala
Nang mapayapa
Para ang takot
Dagling mawala
-
Masyado na ngang
Nagkakagulo
Kung saang dako
Dito sa mundo
Nakakatakot
Baka ang pasko
Maging malungkot
Para sa tao
-
Sana'y malutas
Mga sigalot
Katahimikan
Ating maabot
Lahat ng tao
Lahat ng bansa
Magkasundo na't
Maging payapa
-
Halina kayo
Tayo'y tumula
Kapayapa-an
Ating ipunla
-
Markham, Ontario, August 31. 2013

84 " ANO'NG PAYO PA?" AUG 31, 2013

84. " ANO'NG PAYO PA?" 3/4, LYRICS/MELODY BY LOLO BOMBOY, AUGUST 31, 2013
-
LYRICS:
-

bakit nga sila
naghihiwalay?
ano ang sagot
sino'ng may malay
di magkasundo
sa mga bagay
gabi o araw
ay nagbabangay
-
May nagtataka't
Nangyayari yan
kahit sa una'y
Nagmamahalan
At kung minsan nga
kisap mata lang
Di na malingon
Pinagsimulan
-
Minsan siguro
Tigang ang ulo
kahit may mali
Benge sa payo
Sa tamang gawa
Mata ay bulag
Walang makita
Sa sala'y bihag
-
kaya nga ako'y
Nalilito rin
Ano'ng payo pa
Ang sasabihin
-
Markham, Ontario, August 31, 2013

83 " SI LOLO DI MAKASALI," AUG 30, 2013

83. " SI LOLO DI MAKASALI",3/4, LYRICS/MELODY BY LOLO BOMBOY, AUG 30, 2013
-
LYRICS:
-

Pa'no sasali
Dito si lolo
Napipi na s'ya
At natuliro
Dila'y na-utal
Diwa'y namangha
Sa kay gagandang
Nabasang tula
-
Kahit na kanta'y
Naging ma-ilap
Sa isipan n'ya'y
Di mahapuhap
Kahit saan s'ya
Bumaling ngayon
Di n'ya makita
Saan papar'on
-
Ang hirap pala
Maging makata
Pati si lolo
Ngayo'y balisa
Walang ma-isip
Walang ma-akda
Hilong talilong
Si lolo ngayon
-
kaya patawad
Mga kaibigan
Itong si lolo
Ay nabulunan
-
August 30, 2013

82 " YOU NEVER KICK ME OUT OF THE HOUSE," AUG 27, 2013

82. " YOU NEVER KICK ME OUT OF THE HOUSE," 3/4, LYRICS/MELODY BY LOLO BOMBOY, AUGUST 27, 2013
-
LYRICS:
-
I love you my dear
With all of my heart
There's never a way
We will ever part
They'll say anything
To break us apart
They'll never succeed
You can cross my heart
-
Though sometimes you cry
Cause of things I do
Yet you're still so sure
That I love you so
You know I have faults
That make me a louse
But you never kick
Me out of the house
-
You know you love me
Inspite of yourself
For I am the one
You chose from the rest
We'll live through each day
Through thick and through thin
Whatever may come
We'll wither the pain
-
Our love will survive
Though hardships may come
We'll live through it all
Till life's race is done
-
Markham, Ontario, August 27, 2013