Thursday, May 31, 2012

where will you be on Valentine's day this year, feb 8, 2012

"Where will you be on Valentine's day this year",
February 7, 2012, lyrics/melody by lolo bomboy

it will be valentine's day again my dear
very soon,
and i'll be missing you long before the day
turns into high noon,
you will be so far away from me as
the clouds in the heavens above,
it hasn't been the same since you said
goodbye to me oh my love...

where will you be when i start singing
this song,
will you be wondering too why things
between us just went wrong,
how i wish you were here so we could
spend valentine's day together
just like we did when we were still so
much in love with each other....

i'll be thinking of you whatever i might
be doing,
i'll never forget how happy you made
me oh way back then,
please remember that i still keep you oh
so dear in my heart,
how i wish you and i  could go back
to make everything feel right...

how i wish you and i could go back
to make everything feel right...
though i know you're now happy
with somebody holding you tight,
just the same i wish you dear a very
happy valentine's,
and i pray i'd learn to forget you
too with the passage of time...

Georgia, February 8, 2012

manalangin tayo na maka-iwas sa kasalanan, sakit, at kalamidad, Feb 8, 2012



"Manalangin tayo na maka-iwas sa kasalanan, sakit at kalamidad"
February 8, 2012,lyrics/melody by lolo bomboy
 
letra:

paano na nga ba ang bukas para sa ating
mga kapwa tao,
na nawalan ng mga mahal sa buhay dahil
sa lindol, baha, at bagyo,  
mga taong nawalan din ng mga tirahan
at walang masilungan, 
at di malaman ngayon kung saan ang kanilang
mga pupuntahan...

ano kaya ang puede nating gawin para
tayo ay makatulong,
na sa kanilang paghihirap sila ay unti-unting
makabangon,
sana ipagdasal natin sila, araw araw sa
sa ating Panginoon....
mga buhay nila ay mapabuti uli sa lalong
madaling panahon...

ipanalangin natin sana sa mga oras na ito,
maibsan sana ang dalamhati ng mga
taong sinalanta ng lindol ng baha at bagyo,
mabigyan sana sila ng sapat na tulong para
bumuti ang kanilang mga kalagayan....
sana tayo'y laging tumawag sa Poong
Maykapal, tayong lahat ay iligtas Niya sa
lahat ng mga kapahamakan...

sana dumating ang panahon na wala ng
mga lindol, baha o bagyo,
sana sa lahat ng oras maganda ang sikat
ng araw, buwan, at bituin para sa mga tao,
sana ang buhay nating lahat ay malayo sa
sakit, gutom, at kalamidad,
sa bukid man, sa parang, sa mga bayan,
o saan mang mga ciudad...

hari nawa'y pakinggan ng Diyos nating
mahabagin sa itaas,
ating dasal na tayo sa kasalanan, sakit
at sakuna ay maka-iwas,
sana maging masaya tayong lahat sa mga
darating pang mga bukas,
at buhay ng tao sa mundong ito ay
maging matiwasay hanggang sa wakas...

Georgia, February 8, 2012

Wednesday, May 30, 2012

silent night sa romblomanon/tagalog dec 25, 2011

Silent Night sa romblomanon at tagalog, december 25, 2011, letra ni lolo bomboy,

by Lolo Bomboy on Sunday, December 25, 2011 at 8:25pm ·
Pahabol:
bago lumipas ang paskong ito, gusto ko lang ishare sa inyo ang lyrics na ito...baka puede pa nating kantahin bago matapos ang araw ng paskong ito...maraming salamat at merry christmas sa lahat....

Silent Night (romblomanon/tagalog)
december 25, 2011
letra ni lolo bomboy

letra:
O kahipos sa paligid,
kalibutan hay na-umid,
may nanay kag unga sa belen,
solong  unga ng nanay nga birhen,
tuyog niya hay madayom,
tuyog niya hay madayom...
yari na Sya, ang Gino-o,
manunubos sang tawo,
nag-abot na ang unga ng Diyos,
sa belen guid ging unga si Hesus,
paskwa na sa aton
paskwa na guid sa aton...
kadayom guid, ang tuyog Nya,
sa belen, yadto Sya,
yadto da ang birheng Maria,
ang nanay, nag-unga sa-Iya,
Hari Sya ng tanan,
Hari guid Sya ng tanan
---------------------------
kay tahimik ng paligid,
kay payapa ng daigdig,
mayroong mag-ina sa belen
solong anak ng ina na birhen
tulog niya ay mahimbing,
tulog niya ay mahimbing
dumating na, ang Ginoo,
manunubos ng tao,
dumating na ang anak ng Diyos,
sa belen nga sinilang si Hesus,
Pasko na sa mundo
Pasko nga nga sa mundo.....
or
(nandon Sya no'ng pasko,)
(nandon nga Sya no'ng pasko..)
napahimbing, ang tulog Niya,
sa belen, naro'n Sya,
naro'n din ang birheng Maria
ang inang nagluwal sa Kanya
Hari Sya ng lahat
Hari nga Sya ng lahat
---------------
note: hindi ko lang matiyak kung tama ang indayog ng letra sa nota ng original na kanta....

ang pasko namin dito, dec 30, 2011

ang pasko namin dito, december 30, 2011, lyrics/melody by lolo bomboy

by Lolo Bomboy on Friday, December 30, 2011 at 9:37pm ·
picture ni Tita Perlynn noong nagspeach sya sa grupo nila...
Message body


Dear Honor,

tulad ng sinabi ko kanina, ay sinubukan kong gawing kanta sa tagalog yong sulat mo tungkol sa pasko nyo diyan...at ito na ang naging takbo ng aking kanta...

pero bago noon, hayaan mong bumati muna ako...Manigong bagong taon sa inyong lahat...nakatuwaan ko lang na isulat sa kanta ang sulat ni Tita Honor na nasa ibaba parang pambagong taong kanta ko na ito....kasi parang tula o kanta ang pagka ayos ni Tita Honor sa kanyang sulat... sana magustohan nyo ito:

ang pasko namin dito, (december 25, 2011) lyrics/melody by lolo bomboy
intro:

ito ay isang kanta na hinango ko sa sulat ni Tita Honor
tungkol sa kanilang naging pasko dito:

letra:

manigong bagong taon sa lahat sa inyo,
kamusta naman ang inyong naging pasko,
nagpunta kami kila Perlynn noong sabado,
limang oras din sa kotse ang biyahing  ito...

umalis kami nang alas nueve ng umaga,
dumating kami alas dos ng hapon na,
ako ay naghain ng tanghalian sa la mesa,
mga gulay na may langonizang kasama...
at si Carolynn ang naghanda ng merienda...

ang hapunan namin ay alas sais na ng gabi,
may hamon at saka tilapia pa mandin kami,
naglipit at nagkuhanan ng letratong kay dami,
at nagsimba naman kami alas nueve ng gabi...

pag-uwi namin kami ay nagmerienda naman,
pagkatapos ay nagligpit kami ng kina-inan,
medyo inabot na kami ng ala una ng umaga,
saka pa lang kaming lahat ay nagpahinga na....

nagalmusal kami ng tinapay at naiwang hamon,
pasko na nga nang umaga ng kinabukasan noon,
pagkalinis ng la mesa, kami na ay nagsipagligu-an,
nagpaletrato, nag palitan ng regalo, at nananghalian...

alas sais na ng hapon ang sumunod na hapunan,
may handa kaming pabo at menudong kay inam,
si Lizzie at may pansit na may kasamang gulay,
at saka naglaro din kami ng WII sa loob ng bahay....

nanalo ako sa badminton at sa bowling ay talo ako,
sila  Lizzie at Carolynn naman ang nagkampeon dito,
nanood kami ng "Rise of the Apes " na kay ganda,
nakatulog kaming lahat mga ala una na ng umaga...

umuwi kami lunes na nang pagkatapos ng pasko,
medyo nakatulog kami nang matagal sa araw na ito,
naka-alis  kami pagkatapos magalmusal ng alas dose,
sa bahay ay alas sinco ng hapon nang dumating kami...

si El ay dumating din at nakasama namin noong pasko,
at aalis naman ulit sya sa linggo, unang araw ng Enero,
dumalaw muna sya sa New York doon kay Carolynn,
at sabay na silang dalawang nagpunta  kila tita Perlynn...

na-una silang dumating doon ng isang oras kesa sa amin,
ikuwento naman ninyo ang naging pasko ninyo sa akin,
siguradong naging masaya kayo diyan na magpapamilya,
pasko ay masaya kung ang mag-anak ay magkakasama... 

----------- 
Happy New Year to all !!!!!

regards,
lolo bomboy
Sent: Friday, December 30, 2011 8:53 PM
Subject: ang pasko namin dito ...Fw: Fwd: Happy New Year!

buenas dias paskwa, dec 4, 2011

"buenas dias paskwa...", dec 4, 2011, lyrics/melody by lolo bomboy

by Lolo Bomboy on Sunday, December 4, 2011 at 3:49pm ·
 "buenas dias paskwa...", dec 2011, lyrics/melody by lolo bomboy
Thursday, November 17, 2011 at 3:24pm
lyrics:

"buenas dias paskwa", amon ginahambay
sa amon mga maninoy kag mga maninay
nang kami sa romblon hay naga pamaskwa
nang mga tiempo nga kami hay maintik pa...
igwa kami mga supot nga daya daya
agud isuyod didto ang regalo ninda
mga regalo nga mga dulce kag sincillo,
tinapay o habon nga sa amon hay ita-o
ang amon mga maninoy kag maninay
pag saka namon sa inda mga bayay...
damo gid nga regalo ang inda ginatao
hasta niyan ini ang na dudumduman ko..
paskwa sa romblon  mahuga malimot
bisan diin pa ako lugar nga makaabot
iba ang paskwa nang maintik pa kita
batyag guid naton iba nga kasadya
"buenas dias, paskwa", indi ko ina malimot
imaw guihapon ina ang gusto ko ipa-abot
para sa tanan sa aton nga mga taga romblon
kalipay ng paskwa gabay pa mabatyagan naton....


buenas dias pascua, tagalog, dec 8, 2011

"buenas dias pascua", tagalog version, december 8, 2011, lyrics/melody by lolo bomboy

by Lolo Bomboy on Friday, December 9, 2011 at 12:29am ·
"buenas dias pascua", tagalog version,
december 8, 2011, lyrics/melody by lolo bomboy
letra:
"buenas dias pascua", bati namin noon,
sa aming mga ninang at mga ninong,
noong kami ay namamasko sa kanila,
noong sa romblon, kami ay bata pa....
----
may mga supot pa kaming dala dala,
sisidlan ng mga regalong hinanda nila,
mga regalo tulad ng kinde at mga barya,
tinapay o sabon at marami pang iba....
-----
ang aming mga ninang at mga ninong,
pag-akyat namin sa bahay nila noon,
marami silang mga regalo para amin,
ito'y bagay na nasa ala-ala ko pa rin....
----
pasko sa romblon hindi ko malilimot,
kahit saang lugar pa ako makalibot,
ang pasko noong tayo ay maliliit pa,
talaga namang punong puno ng saya....
-----
"buenas dias pascua" pagbating alam ko,
yan pa rin ang pagbating aking gusto,
na iparating sa lahat ng mga taga romblon,
masayang pasko nawa'y mapasa ating
lahat ngayon....

mga awit ng pagibig sa panahon ng pasko, dec 11, 2011

"mga awit ng pagibig sa panahon ng pasko...", december 11, 2011, lyrics/melody by lolo bomboy

by Lolo Bomboy on Monday, December 12, 2011 at 12:18am
 
 ·
----
letra:
---
napapansin ko lang na ang mga
kaibigan ko,
nagiging romantiko sila sa panahon
ng pasko,
mga tugtug na gusto nilang laging
naririnig,
ay mga awitin ng pagmamahal at
ng pagibig....
---
pero dapat lang sigurong ganyan
ang mangyari,
dahil dala ng pasko ay pagibig para
sa nakakarami,
sa laki ng pagibig sa atin ng ating
Panginoong Diyos,
binigay niyang Manunubos, sariling
anak na si Hesus...
-----
kaya naman tuwing sasapit ang
araw ng pasko,
itanim sana natin sa puso at isip
ng bawat  tao,
ang pagibig ng Panginoong Diyos
sa buong mundo,
ay nadama nang isilang si Hesus
noong unang pasko...
----
isa puso at isip natin sa araw araw
ang diwang ito,
ang pagibig ng Panginoong Diyos
sa buong mundo,
ay sumasa atin tuwing sasapit
ang araw ng pasko,
noong isilang ang dakilang Manunubos
ng lahat ng tao....

simbang gai ko sa Romblon, dec 14, 2011

"simbang gabi ko sa Romblon," dec 14, 2011, lyrics/melody by lolo bomboy

by Lolo Bomboy on Tuesday, December 13, 2011 at 7:02pm
 
 ·

--
intro:
----
sabi ng kaibigan kong si Florencio,
simbang gabi magsisimula na raw ito,
simbahan sa Romblon mapupuno ng tao,
para magpugay sa panginoon Hesu Kristo...
------
lyrics:
-----
taon-taon bago pa sumapit
ang pasko,
merong simbang gabi, yan
ang tanda ko,
kaya kahit anong puyat  pa
at aking antok,
nasa simbahan ako bago tumila-ok
ang mga manok....
------
bilin ng tatay ko, mag-aral ako
 ng katekismo,
nasa  simbahan ako tuwing hapon
ng linggo,
bitbit din niya ako sa simbang gabi
sa romblon,
nakikinig kami sa  misa ng Pari at sa
kanyang sermon...
----
kahit ano pa ang lamig sa umaga
ng tubig,
naliligo ako, manginig man  ang
aking bibig,
dederetso kami ng tatay ko sa
simbang gabi,
kahit simbahan ay punong puno
sa bawat tabi...
---
ito ang istoryang hanggang ngayon
ay tanda ko,
dahil ang simbang gabi ay bahagi na
ng pasko,
magmula pa noong unang panahon
ganito na ito,
simbang gabi'y dinadaluhan ng napa-
karaming tao...

isang pamaskong biyaya ang letraton nating ito, dec 25, 2011

isang pamaskong biyaya ang letrato nating ito, december 25,2011, lyrics/melody by lolo bomboy

by Lolo Bomboy on Sunday, December 25, 2011 at 10:57am
 
 
 ·


isang pamaskong biyaya ang letrato nating ito...
december 25, 2011,lyrics/melody by lolo bomboy
 at 10:43am


lyrics:
kay ganda naman nitong letratong kuha ninyo,
kasi ngayon pati si lola at ako ay kasama na dito,
nagpapasalamat kami na nagkasama sama tayo,
bago pa sumapit ang araw ng pasko sa taong  ito...
noong gabing may biglang kumatok sa pintuan,
ako'y nagtaka kung sino kaya yong nananawagan,
sa bintana ay dahan dahan ko pa kayong sinilip,
na darating kayo ay walang wala sa aking pagi-isip...
noong isang taon sila kuya jun, ate annie, at adrienne,
ang inyong biglang nakita at nakasama doon sa daan,
isang malaking  biyaya iyon na galing pa sa kataas taasan,
nakuha sa isang letratong di kukupas magpakailan pa man...
maligayang pamasko itong letrato natin para sa ating lahat,
isang  biyaya na sa Panginoon ay dapat nating ipagpasalamat,
sa pahintulot Niya, bago pa man sumapit ang araw ng pasko,
tayo ay nagkasama samang lahat dito ng isang  buong linggo

Mga hambay sa Romblon aton guid palanggaon, dec 30, 2011

Mga hambay sa Romblon aton guid palanggaon, december 30,2011, lyrics/melody by lolo bomboy

by Lolo Bomboy on Friday, December 30, 2011 at 12:16am ·
 
                        
mga hambay sa Romblon aton guid palanggaon, december 30, 2011,
lyrics/melody by lolo bomboy
-----------
intro: kanta da ini ng pasalamat sa mga amigo naton nga sina Ish Fabicon, kag  Bobot Marin Prado, sa inda pagpatigayon sa pagpalangga naton sa mga hambay sa Romblon....kag sa amigo naton nga si Wilson Berano kay sa iya ako nakatu-on sa pagsulat sa Romblomanon, bisan bukon pa guid sa puro nga hambay naton....
-----------
letra:
-----------
matu-od, dapat guid  naton palanggaon,
mga hambay naton didto sa Romblon,
ang Romblomanon, Unhan kag ang Asi,
dapat guid naton matun-an ang mga ini..
-------------
imaw ina ang leksyon nga nabati-an ko,
kay Ish Fabicon, kag kay Bobot Marin Prado,
kay Wilson Berano naman ako nakatu-on,
pagsulat ning kanta o tula sa Romblomanon...
-------------
damo nga salamat kay ging muyo ninda ako,
pasalamat da ako ning dako kay Wilson Berano,
kung bukon sa inda nga tuyo nga  mga amigo ko,
pagsulat sa Romblomanon hay indi pa ako tigo...
-------------
pero kung gasulat sa iba nga hambay ang tawo,
tiyad ng english o tagalog o iba pa nga inda gusto,
inda da ina siguro nga gusto ninda nga hambayon,
hambay sa Romblon indi ninda gusto palanggaon...
----------
gani niyan hay maayo na ang pamatyag ko,
pila nga kanta sa Romblomanon ang nasulat ko,
una guid sa tanan hay ang "Sa SIPI, sa Romblon",
kag  "Mi Ultimo Adios" ni Dr. Rizal sa hambay naton...
-----------
ini nga paskwa hay sa romblomanon ko na da,
ging sulat akon kanta nga "Buenas Dias Paskwa",
"Simbang Gab-i ko sa Romblon" hay na dugang pa,
kag sa Romblomanon ng "Silent Night" nga kanta...
-----------
pero siempre nagasulat pa da hasta niyan ako,
ning kanta sa english kag tagalog bisan pauno,
kay ina nga mga hambay ang aton da ging estudio,
para makakita da kita ning maayo ayo nga trabaho...
-----------
gani kung gasulat sa iba nga hambay ang tawo,
tiyad ng english o tagalog o iba pa nga inda gusto,
inda da ina siguro nga gusto ninda nga hambayon,
hambay sa Romblon indi ninda gusto palanggaon...

tanging hiling ko sa bagong taon, dec 31, 2011

tanging hiling ko sa bagong taon, lyrics/melody by lolo bomboy

by Lolo Bomboy on Saturday, December 31, 2011 at 7:33pm
 
 
 
 ·
hiling sa bagong taon
ang tanging hiling ko sa bagong taong ito...
january 1, 2012, lyrics/melody by lolo bomboy

lyrics:

ang tanging hiling ko sa bagong taong ito,
mapatawad ng Diyos lahat ng mga kasalanan ko,
at sana mula ngayon hanggang magpakailan man,
huwag na akong mahulog muli sa mga kasalanan....

pero paano kaya kung ako'y hindi mapatawad,
saan na kaya mapupunta ang aking paglalakad,
ano na kaya ang mangyayari sa aking kaluluwa,
sayang lang kung sa langit ito ay di mapupunta...

kay palad ng mga taong walang mga kasalanan,
sa langit doon lahat ang kanilang patutunguhan,
anong ganda ang kanilang magiging kapalaran,
sa buhay doon na tiyak ay walang hangganan...

paano nga kaya kung si Hesus ay hindi isinilang,
paano matutubos ang kaluluwa sa mga kasalanan,
paano makakamit ang buhay na walang hanggan,
paano ko pa matatanggap ang aking kapatawaran...

dapat ang pasko ay laging nasa aking ala-ala,
kapatawaran ay dala ni Hesus nang isilang Siya,
binigay sa ating lahat ng ating Poong Maykapal,
dahil sa atin ay kay laki ng kanyang pagmamahal....

salamat sa pasko ngayo'y meron bukang liwayway,
patungo sa bagong taon ng wastong pamumuhay,
kaya sana naman sa darating na bagong taong ito,
maging lubos na ang pagkakata-ong ako ay magbago...

kaya sa mga taong nabubuhay ng walang sala,
pati na sa mga katulad kong sala ay dapat mawala,
ang bati ko ay banal na bagong taon sa ating  lahat,
sana sa Diyos tayong lahat ay laging maging matapat

Georgia, December 31, 2011