Thursday, April 17, 2014

44. " PUEDE BANG MAG THANK YOU DITO?" AUG 31, 2013

44. " PUEDE BANG MAG THANK YOU DITO?" 3/4, LYRICS/MELODY BY LOLO BOMBOY, AUGUST 31, 2013

February 19, 2014 at 5:07am
"PUEDE BANG MAG THANK YOU DITO?", 3/4, LYRICS/MELODY, AUGUST 31, 2013
-
LYRICS:
-
di ata puede
mag thank you dito
kung sa kanta ko'y
may nagka gusto
Sa 'yo kaibigan
Salamat sa 'yo
AT ang kanta ko'y
Nagustohan mo
-
kung puede nga lang
Habaan ito
Pasalamat ko'y
Hanggang sa dulo
Di matatapos
Kaylan man ito
Dahil sa tuwang
Idinulot mo
-
Pero dapat ngang
Magsikap ako
Ang aking kanta'y
Pagandahin ko
Mahirap din kasi
Sumulat nito
Nang madali-an
Kahit gusto ko
-
Salamat sa'yo
Aking Kaibigan
Hanggan sa muli
Ay magkantahan
-
Markham, Ontario, August 31, 2013

45. " AYUSIN NATIN ANG ATING WIKA," AUG 31, 2013

45. " AYUSIN NATIN ANG ATING WIKA," 3/4, LYRICS/MELODY BY LOLO BOMBOY, AUGUST 31, 2013

February 19, 2014 at 4:53am
" AYUSIN NATIN ANG ATING WIKA," 3/4, LYRICS/MELODY BY LOLO BOMBOY, AUGUST 31, 2013
-
LYRICS:
-

Ano'ng matigas
Ang meron ba dyan
Kay igsi igsi
Ng iyong short pants
Maig-si din ba
Nasa loob niyan
Si Aling ano'y
Manglambot diyan
-
Nakakagulat
Usong salitang
Namumutawi
Sa mga bata
Ang matatanda
Tulad ni lolo
Napapailing
Ng dahil dito
-
Ano na kaya
Ang dapat gawin
Para mabago
Ang wika natin
Mapaganda pa
Ang ating wika
Nang di na tayo
Natutulala
-
Salung puwit daw
Gawin ng bangko
Dahil na rin nga
Sa 'ting pag-upo
-
Markham, Ontario, August 31, 2013

46. " ISANG KANTA DAHIL SA IYO," AUG 31, 2013

46. " ISANG KANTA DAHIL SA IYO," 3/4, LYRICS/MELODY BY LOLO BOMBOY, AUGUST 31, 2013

February 19, 2014 at 4:42am
" ISANG KANTA DAHIL SA IYO," 3/4,LYRICS/MELODY BY LOLO BOMBOY, AUGUST 31, 2013

H'wag mag-alala
Aling Anita
Ang sinabi mo'y
Sadyang kay ganda
Dahil sa ako'y
Magsusulat na
Para sa iyo
Isang kanta pa
-
Nagdilang angel
Ang kaibigan ko
Ang aking kanta'y
Nasimulan ko
Di magtatagal
Tapos na ito
Laki ng tuwa
Nasa puso ko
-
Ganyang talaga
Taong matanda
Di na mahirap
Na sya'y matuwa
Sa kunting discount
Na nakakamtan
Hanggang langit na
Ang kasiyahan
-
Kaya Anita
Salamat sa'yo
Isa pang kanta
Naisulat ko
-
Markham, Ontario, August 31, 2013

47. " KAPAYAPA-AN ATING IPUNLA," AUG 31, 2013

"47. KAPAYAPA-AN ATING IPUNLA," 3/4, LYRICS/MELODY BY LOLO BOMBOY, AUGUST 31, 2013

February 19, 2014 at 4:31am
" KAPAYAPA-AN ATING IPUNLA," 3/4, LYRICS/MELODY BY LOLO BOMBOY, AUGUST 31, 2013
-
LYRICS:
-

Habang tahimik
Dito sa mundo
Halina kayo
Kumanta tayo
Kaya'y tumala
Nang mapayapa
Para ang takot
Dagling mawala
-
Masyado na ngang
Nagkakagulo
Kung saang dako
Dito sa mundo
Nakakatakot
Baka ang pasko
Maging malungkot
Para sa tao
-
Sana'y malutas
Mga sigalot
Katahimikan
Ating maabot
Lahat ng tao
Lahat ng bansa
Magkasundo na't
Maging payapa
-
Halina kayo
Tayo'y tumula
Kapayapa-an
Ating ipunla
-
Markham, Ontario, August 31. 2013

49. " ANO'NG PAYO PA?" AUG 31, 2013

49. " ANO'NG PAYO PA?" 3/4, LYRICS/MELODY BY LOLO BOMBOY, AUGUST 31, 2013

February 18, 2014 at 1:26pm
" ANO'NG PAYO PA?" 3/4, LYRICS/MELODY BY LOLO BOMBOY, AUGUST 31, 2013
-
LYRICS:
-

bakit nga sila
naghihiwalay?
ano ang sagot
sino'ng may malay
di magkasundo
sa mga bagay
gabi o araw
ay nagbabangay
-
May nagtataka't
Nangyayari yan
kahit sa una'y
Nagmamahalan
At kung minsan nga
kisap mata lang
Di na malingon
Pinagsimulan
-
Minsan siguro
Tigang ang ulo
kahit may mali
Binge sa payo
Sa tamang gawa
Mata ay bulag
Walang makita
Sa sala'y bihag
-
kaya nga ako'y
Nalilito rin
Ano'ng payo pa
Ang sasabihin
-
August 31, 2013

26. " ROMBLON NGA PALANGGA TA," NOV 8, 2013

NO. 26: " ROMBLON NGA PALANGGA TA," 3/4, LYRICS/MELODY BY LOLO BOMBOY, NOV. 8, 2013

December 20, 2013 at 7:14pm
NO. 26: " ROMBLON NGA PALANGGA TA," 3/4, LYRICS/MELODY BY LOLO BOMBOY, NOV. 8, 2013
-
LYRICS"
-
Banwa ng Romblon
Nga pinalangga
Sa dughan namon
Di ka maduya
Bisan sa diin
Kami ga estar
Ikaw guihapon
Ang amon lugar
-
Sa huna huna
Sa kada adlaw
Romblon guihapon
Ang natatan-aw
Ang amon langkag
Yari sa dughan
Ang gina siling
Ikaw balikan
-
Romblon ang banwa
Ng aton gugma
Mga damgo ta
Dira nagtuna
Dira nakita
Kakanam naton
Nga hasta niyan
Palangga naton
-
Isa ka adlaw
Mauli kita
Dira sa Romblon
Nga palangga ta
-
Nov. 8, 2013

27. " AKING PAG-ASA," NOV 3, 2013

NO. 27: " AKING PAG-ASA," 3/4, LYRICS/MELODY BY LOLO BOMBOY, NOV. 3, 2013

December 20, 2013 at 7:17pm
NO. 27: " AKING PAG-ASA," 3/4, LYRICS/MELODY BY LOLO BOMBOY, NOV. 3, 2013
-
LYRICS:
-
Aking nakita
No'ng una pa man
Kamag-anak ko't
Mga kaibigan
Sila'y naroon
Nagsisitulong
Sa aking hiling
Hindi umurong
-
Ganyan talaga
Ang nararapat
Sa pagsasama
Dapat ay tapat
Sa kagipitan
Ma-aasahan
ang kamag-anak
At kaibigan
-
Kaya tuwa ko'y
Abot sa langit
Pasalamat ko
Ay labis labis
Sa mga tulong
Na natanggap ko
Hanggang sa ngayon
Meron pa ito
-
Sana'y magtuloy
Ang pagtulong n'yo
Nasa sa inyo
Ang pag-asa ko
-
Nov. 3, 2013