"buenas dias pascua", tagalog version, december 8, 2011, lyrics/melody by lolo bomboy
december 8, 2011, lyrics/melody by lolo bomboy
letra:
"buenas dias pascua", bati namin noon,
sa aming mga ninang at mga ninong,
noong kami ay namamasko sa kanila,
noong sa romblon, kami ay bata pa....
----
may mga supot pa kaming dala dala,
sisidlan ng mga regalong hinanda nila,
mga regalo tulad ng kinde at mga barya,
tinapay o sabon at marami pang iba....
-----
ang aming mga ninang at mga ninong,
pag-akyat namin sa bahay nila noon,
marami silang mga regalo para amin,
ito'y bagay na nasa ala-ala ko pa rin....
----
pasko sa romblon hindi ko malilimot,
kahit saang lugar pa ako makalibot,
ang pasko noong tayo ay maliliit pa,
talaga namang punong puno ng saya....
-----
"buenas dias pascua" pagbating alam ko,
yan pa rin ang pagbating aking gusto,
na iparating sa lahat ng mga taga romblon,
masayang pasko nawa'y mapasa ating
lahat ngayon....
letra:
"buenas dias pascua", bati namin noon,
sa aming mga ninang at mga ninong,
noong kami ay namamasko sa kanila,
noong sa romblon, kami ay bata pa....
----
may mga supot pa kaming dala dala,
sisidlan ng mga regalong hinanda nila,
mga regalo tulad ng kinde at mga barya,
tinapay o sabon at marami pang iba....
-----
ang aming mga ninang at mga ninong,
pag-akyat namin sa bahay nila noon,
marami silang mga regalo para amin,
ito'y bagay na nasa ala-ala ko pa rin....
----
pasko sa romblon hindi ko malilimot,
kahit saang lugar pa ako makalibot,
ang pasko noong tayo ay maliliit pa,
talaga namang punong puno ng saya....
-----
"buenas dias pascua" pagbating alam ko,
yan pa rin ang pagbating aking gusto,
na iparating sa lahat ng mga taga romblon,
masayang pasko nawa'y mapasa ating
lahat ngayon....
No comments:
Post a Comment