Wednesday, May 30, 2012

mga awit ng pagibig sa panahon ng pasko, dec 11, 2011

"mga awit ng pagibig sa panahon ng pasko...", december 11, 2011, lyrics/melody by lolo bomboy

by Lolo Bomboy on Monday, December 12, 2011 at 12:18am
 
 ·
----
letra:
---
napapansin ko lang na ang mga
kaibigan ko,
nagiging romantiko sila sa panahon
ng pasko,
mga tugtug na gusto nilang laging
naririnig,
ay mga awitin ng pagmamahal at
ng pagibig....
---
pero dapat lang sigurong ganyan
ang mangyari,
dahil dala ng pasko ay pagibig para
sa nakakarami,
sa laki ng pagibig sa atin ng ating
Panginoong Diyos,
binigay niyang Manunubos, sariling
anak na si Hesus...
-----
kaya naman tuwing sasapit ang
araw ng pasko,
itanim sana natin sa puso at isip
ng bawat  tao,
ang pagibig ng Panginoong Diyos
sa buong mundo,
ay nadama nang isilang si Hesus
noong unang pasko...
----
isa puso at isip natin sa araw araw
ang diwang ito,
ang pagibig ng Panginoong Diyos
sa buong mundo,
ay sumasa atin tuwing sasapit
ang araw ng pasko,
noong isilang ang dakilang Manunubos
ng lahat ng tao....

No comments:

Post a Comment