"simbang gabi ko sa Romblon," dec 14, 2011, lyrics/melody by lolo bomboy
--
intro:
----
sabi ng kaibigan kong si Florencio,
simbang gabi magsisimula na raw ito,
simbahan sa Romblon mapupuno ng tao,
para magpugay sa panginoon Hesu Kristo...
------
lyrics:
-----
taon-taon bago pa sumapit
ang pasko,
merong simbang gabi, yan
ang tanda ko,
kaya kahit anong puyat pa
at aking antok,
nasa simbahan ako bago tumila-ok
ang mga manok....
------
bilin ng tatay ko, mag-aral ako
ng katekismo,
nasa simbahan ako tuwing hapon
ng linggo,
bitbit din niya ako sa simbang gabi
sa romblon,
nakikinig kami sa misa ng Pari at sa
kanyang sermon...
----
kahit ano pa ang lamig sa umaga
ng tubig,
naliligo ako, manginig man ang
aking bibig,
dederetso kami ng tatay ko sa
simbang gabi,
kahit simbahan ay punong puno
sa bawat tabi...
---
ito ang istoryang hanggang ngayon
ay tanda ko,
dahil ang simbang gabi ay bahagi na
ng pasko,
magmula pa noong unang panahon
ganito na ito,
simbang gabi'y dinadaluhan ng napa-
karaming tao...
No comments:
Post a Comment