136. " ANG PAYONG NI NENENG," 3/4, LYRICS/MELODY BY LOLO BOMBOY, JAN. 15, 2014
-
LYRICS:
-
Payong ni Neneng
Bago't azul pa
Bigay ay lilim
Buong umaga
Kahit sa hapon
Dala rin ito
Kapag umulan
Panang-ga ito
-
Lilim ng payong
Iyong kaylangan
Nang di magkar'un
Bunga ng araw
Payong mong azul
Kay gandang tingnan
Napapalingon
Kahit sino man
-
Tingnan n'yo naman
Parang prinsesa
May tangan nito
Sa may kalsada
Ang kanyang ngiti
Nakakapawi
Sakit ng loob
Ng pusong sawi
-
Payong na azul
H'wag sanang iwan
Sa isang sulok
Magpakaylan man
-
JAN. 15, 2014
No comments:
Post a Comment