Monday, April 14, 2014

NO. 14 " BUKAS NA MAY PAG-ASA," NOV 25, 2013

NO. 14: "BUKAS NA MAY PAG-ASA," LYRICS BY LOLO BOMBOY NOV. 25, 2013, (SING TO THE MELODY OF 'MY WAY'")

December 19, 2013 at 7:30pm
"BUKAS NA MAY PAG-ASA," LYRICS BY LOLO BOMBOY
NOV. 25, 2013, (SING TO THE MELODY OF 'MY WAY'")
-
LYRICS
-
NgayonG
Lumipas na
Itong bagyo
na si Yolanda
Tayo'y
tumulong na
Sa 'ting kapwa
na nasalanta
Gamot
pagkain din
saka tubig
Ang kailangan
OO higit pa d'yan
Ay kailangan
-
Hirap
pasan nila
Dahil na nga
sa kay Yolanda
Bahay
nila'y giba
Kay dami
pa ang naulila
Paano na ngayon
Kailan sila makakabangon
Kaya kailangan pa
Ang ating tulong
-
Di malaman
Hanggang kaylan
Magtatagal
Ang pagtitiis
Nitong bayang
Niyurakan
Nitong bagyo
Na nag-iwan
Ng Pighati't dalamhati
At kasawi-an
-
Tayo'y maki-isa
Kapwa natin
Ating damayan
Bigyan ng kalinga
Matanda man
AT mga bata
Bawat hakbang nila
Ating sundan
AT ipakita
Bukas may pagasa
Na darating pa
-
Tayong ngang lahat
Ay sumamba
Sa ating D'yos
Ng pag-asa
Ipagdasal
Kapwa natin
Silang lahat
Ay akayin
Bigyan sila
Ng bukas pa
Na may pag-asa
-
Bigyan sila
Ng bukas pa
Na may pag-asa
-
Nov. 25, 2013

No comments:

Post a Comment