161. " TANGGAP KO NA ITO," 3/4,
LYRICS/MELODY BY LOLO BOMBOY, jUNE 21, 2013
-
LYRICS:
-
kung puede nga lang
akong maglaro
kahit maghapon
di pa susuko
ang hirap nga lang
kapag magpuyat
sa paggising ko
kulang ang lakas
-
kaya kaylangan
kunting pahinga
kungting paghiga
doon sa kama
kung ina-antok
Dapat matulog
para lumakas
ang aking tuhod
-
ang tumatanda'y
hindi madali
gustong mahiga
hanggang tanghali
pero kahit na
ganun ang gawin
ang panghihina'y
damdam ko pa rin
-
kahit ano pa
ang aking gawin
ang pagtanda ko'y
tanggap ko na rin
-
21June13, Toronto, Canada
No comments:
Post a Comment