Monday, April 14, 2014

NO. 22 " DASALA SA INYO," NOV 12, 2013

NO. 22: " DASAL SA INYO," 3/4, LYRICS/MELODY BY LOLO BOMBOY, NOV. 12, 2013

December 20, 2013 at 6:36pm
No. 21:" DASAL SA INYO," 3/4, LYRICS/MELODY BY LOLO BOMBOY, NOV. 12, 2013
-
LYRICS:
-
Nang dumating ka
Kami'y nagitla
Ihip ng unos
Dala ay baha
Tubig sa dagat
Umahon bigla
Saka umagos
Doon sa lupa
-
Mga kawawa
Iyong ina-nod
Kay dami nilang
Iyong ni-lunod
Mga bahay din
Iyong giniba
Punong kahoy
Iyong dinapa
-
Sa D'yos na lamang
Sila tatakbo
Para humingi
Awa sa tao
Tulungan sila
Sa hirap ngayon
Kahit paano
Sila'y ibangon
-
D'yos na Dakila
Maawa kayo
Sila'y tulungan
Dasal sa Inyo.
-
Nov. 12, 2013

No comments:

Post a Comment