Thursday, April 17, 2014

164. " AWIT MULA SA TULA NI RHEA- BIKTIMA NI 'YOLANDA'," NOV 18, 2013

March 1, 2014 at 5:36pm
164. Awit mula sa tula ni
Rhea Sta Ana Zuniga
BIKTIMA "YOLANDA"  NOV. 18, 2013

Kaunting tulong kay laking bagay
Sa nasalanta ang syang ibigay
Taos puso 'nyo itong i-alay
Mag kapit bisig sa' ting pag damay

Sila'y pagmasdan
Hirap ay pasan
Puso'y nawasak sa kahirapan
Sinapit nila sa kalikasan
Hindi malaman kung hanggang kailan

Di mapigilan agos ng luha
Kirot sa puso s'yang nadarama
Noong nakita,sinapit nila
kahabag habag na naulila

Mga kalul'wa na nananaghoy
Mga tulong n'yo, sana'y patuloy
Para sa bukas, pag asa'y taglay
Hindi bibitiw habang maybuhay.....

11/18/13 rhea hernandez

No comments:

Post a Comment