Saturday, April 5, 2014

97 " KUNG PAGBALIK MO," AUG 8, 2013

97. " KUNG PAGBALIK MO," 3/4, LYRICS/MELODY BY LOLO BOMBOY, AUGUST 8, 2013
-
LYRICS:
-
Na-i-inip na
Ang aking puso
Nang kahihintay
Sa isang dako
Parang kay tagal
Nang pagdating mo
Laki ng kaba
Nitong dibdib ko
-
Ang sabi nila
Nilimot mo na
Ang pag-ibig mong
Iniwan sinta
Pero di ako
Naniniwala
Nasa puso ko'y
Buong tiwala
-
Habang wala ka
Sa aking piling
Lahat ng lungkot
Ay papasanin
Tangi kong dasal
Sa bawat saglit
Sumpa mo sa akin
Di mawawaglit
-
Kung pagbalik mo
Nagbago ka na
Paano na 'ko
O aking sinta
-
Riverdale, Georgia, August 8, 2013
 — in Riverdale, Georgia.

No comments:

Post a Comment