162. "KANTULA SA BAGYONG HAIYAN NI FELIX FOJAS SA AWIT," 3/4, MELODY BY LOLO BOMBOY
Nov. 21, 2013
-
LYRICS:
-
Ang mabalasik
Ay rumagasa
Ang bagyong Haiyan
Ang sumagasa
Nilunod nito
Ang panaginip
Ng mga taong
kanyang nahagip
-
Sino'ng naghasik
Ng kalagiman
Ang Manlilikha
O ang gahaman
Ang kalikasan
O tanong ganid
Na s'yang nagwasak
Sa 'ting paligid
-
May mga taong
Puso ay manhid
Sa kayamanan
Sila ay ganid
Di na na-awa
Sa kalikasan
Ang yabong nito'y
S'yang hinubaran
-
Ang kalikasan
Pati ang tao
Silang pareho
Ang s'yang binagyo
-
Nov.21, 2013
No comments:
Post a Comment