206. " LUPIT NG LINTIK," 3/4, LYRICS/MELODY BY LOLO BOMBOY, SEPT. 5, 2013
-
LYRICS:
Humanga sila
Na kay ganda mo
Nangako silang
Bilib daw sa'yo
Pinagmasdan ka
Tinitigan pa
Sila'y nas'yahan
Nag palakpakan
-
Pinuri ka rin
Hanggang kung saan
Handa raw sila
Makipaglaban
Ipagtanggol ka
Kahit kaylan man
Kung may pipintas
Kahit kunti lang
-
Pero no'ng minsan
Merong natanaw
Isa pang dilag
Na napadungaw
Tila nabihag
Ang puso nila
Kaya ang sabi
D'yan ka na muna
-
Laking tuwa mo't
Sila'y nagbalik
Pakikita mo
Lupit ng lintik
-
Markham, Ontario, Sept. 5, 2013
No comments:
Post a Comment