Monday, April 14, 2014

202 " PATAGAY NAMAN," SEPT 11, 2013

202. " PATAGAY NAMAN," 3/4, LYRICS/MELODY BY LOLO BOMBOY, SEPT. 11, 2013
-
LYRICS:
-

Patagay naman
Aking kaibigan
Kahit na patak
Aking matikman
Ako'y may lumbay
Na di mawari
Baka sa tagay
Ito'y mapawi
-
Hirap na ako
Pagtakbo takbo
Malabo na rin
Mga mata ko
Mga kaibigan
Di ko mahanap
Iniwan akong
Naghahapuhap
-
Patagay naman
Aking kaibigan
Nang Malunod ko
Ang aking lumbay
Ako'y naiwan
Dito mag-isa
Tila kawawang
Maamong tupa
-
Patagay naman
Aking kaibigan
Para lungkot ko'y
Makalimutan
-
Riverdale, Georgia, Sept. 11, 2013

No comments:

Post a Comment