Saturday, June 9, 2012

"Ang Bagulayag sa Sibale," June 9, 2012

"Ang Bagulayag sa Sibale," June 9, 2012, by lolo bomboy

by Lolo Bomboy on Saturday, June 9, 2012 at 3:30am
 
 ·

"Ang bagulayag sa Sibale", by lolo bomboy
 June 9, 2012
-
letra:

ang sibale, banton, at simara
ang mga isla ng maghali,
makikita natin doon maraming
tanawing sa tingin ay kawili-wili,
may mga bato sa tabing dagat
na nakapalibot sa batong mataas,
isa itong tanawing sa ating tingin
ay di makalalampas...
-
siguro yong batong mas mataas ay
dating lalagyan ng layag,
na isang barkong bago sa dagat noon
pa lang maglalayag,
ano kaya ang nangyari at naging bato
ang barkong ito,
hindi na siguro natin malalaman kung
ano nangyari dito.
-
kung papasyal tayo sa Sibale'y sumaglit
tayo sa Bagulayag,
doon tayo ay makakahinga tiyak ng
maluwag luwag,
makakalayo tayo sa mga bumabaga-
bag sa ating buhay,
makikita natin doon itong mga bato na
sa atin ay naghihintay.
-
siguro puede din tayong lumagoy sa
dagat diyan,
mag-ingat lang tayo na hindi masugatan
ng talaba ang ating tiyan,
tila malinaw naman ang tubig na naka
paligid sa mga bato,
kay sarap nga kung diyan sa Sibale
ay magbabakasyon tayo....
-
Georgia,
June 9, 2012

No comments:

Post a Comment