Saturday, June 9, 2012

"Habang ang lahat ay tahimik," June 1, 2012

"Habang lahat ay tahimik," june 1, 2012, by lolo bomboy

by Lolo Bomboy on Saturday, June 2, 2012 at 4:51pm ·
‎"Habang lahat ay tahimik," by lolo bomboy, June 1, 2012

kung minsan ay natatahimik ang aking
diwa,
pati na nga aking paningin makita
... ... ay wala,
ang mga tainga ko ay walang marinig
ni isang salita,
aking mga labi'y walang masambit
na kahit ano mang kataga...

di ko alam kung ano ang nangyayari
sa aking sarili,
basta na lang tinatannggap ko ang lahat
ng mga pangyayari
di na ako nagiisip kung ano pa ang maari
o dapat kong gawin,
tila wala na rin akong paki-alam kung
ano pa man ang darating...

saan na napunta ang lahat ng aking
mga pinangarap,
tila ba lumipad na ang aking pag-asa
sa ala-pa-ap,
hindi ko na rin tuloy ngayon mapasin
ang paglipas ng mga oras,
babalik pa kaya ang pagsintang akala ko
noong una ay wagas...
Georgia
June 1, 2012

No comments:

Post a Comment