Thursday, June 21, 2012

"Ang Bahay Sa Taas Ng Bundok", June 20, 2012

"Ang bahay sa taas ng bundok", June 20, 2012, ni lolo bomboy
-
letra:
-
ang ganda ng bahay sa Romblon ng
aking mga kaibigan,
nasa taas ng bundok,kay sarap siguradong
tumira dyan,
pagtingin ninyo sa itaas, malapit na ang langit
na bughaw,
sa ibaba naman, tanaw na tanaw ang dagat
sa may Bagakay...
-
masarap lalo dyan kung may tanim kayong
mga saging,
pagdating ng araw may mga bunga kayong
aanihin,
may mga saba na mataba na kay sarap kung
inyong ipipirito,
at may tundan na mas matamis pa kesa
bukayo.
-
araw araw, kay linis tiyak dyan  ng simoy
ng hangin.
yan ay masarap para sa dibdib nyo na
langhapin,
at sa buong paligid  mga mata ninyo ay
busog sa ganda ng tanawin,
malayo ang mararating ng inyong panaginip
kahit kayo ay gising.
-
oh, ang bahay ng aking mga kaibigan sa itaas
ng bundok,
dati rati'y isang lang panaginip sa buhay na
tila kay hirap maarok,
ngayon ay nagbibigay ito ng galak sa mga
pusong tumitibok,
buti at naisip nilang magpatayo ng bahay
sa itaas ng bundok.
-
kung nandiyan kayo, ano pa ang kasiyahang
puede ninyong hanapin,
anong sarap na kapalaran na sa lupa
paraiso ay inyo ng narating,
dulot sa inyo ay buhay ng walang hanggang
paglalambing,
patunay lang ito na narinig na doon sa langit
inyong mga panalangin... 
-
Georgia, June 20, 2012
 -
  photo courtesy of my friends

No comments:

Post a Comment