"kayo layo mo na Sinta" na tinagalog ni lolo bomboy, June 19, 2012
kay layo mo na sinta sa piling ko,
may lungkot na ngayon sa puso ko,
di na kita man lang makita,
di ko alam kung nasaan ka,
puso ko'y naulila...
-
ikaw lang ang dahilan ng buhay ko,
mahalin ka ay laging dalangin ko,
sa piling mo'y aking nakita,
ang aking ikaliligaya,
pagibig at pagsinta...
yan ang istorya natin sinta
na walang kamukha,
na nagturo sa atin ng mabuti
at masama,
buhay ko't pag-asang tunay,
ay nasa iyong mga kamay,
at ngayong sa'yo'y nawalay,
hindi na ko mabubuhay...
Georgia, June 19. 2012
No comments:
Post a Comment