"Habang ang lahat ay tahimik," June 2, 2012,lyrics/melody by lolo bomboy
by Lolo Bomboy on Sunday, June 3, 2012 at 2:17am ·
"Habang ang lahat ay tahimik," June 2, 2012,lyrics/melody by lolo bomboy
-
nagdaraan na naman ang katahimikan,
sa paligid ay wala nang mga pinag-uusapan
pagkakataon ko itong dapat samantalahin,
makapagsulat ng kathang may kinalaman sa
damdamin...
...
maghapon ko ring hinintay ang sandaling ito,
buong araw lang akong nakinig sa kwento ng
mga kaibigan ko,
kay sarap pakinggan ang kanilang mga nai-
ikwento
at ngayong natahimik muna sila, kwento ko
naman ang isusulat ko,
-
marami ang mga nilalang na sa pagibig ay
talagang kay palad.
sa salitang kay tatamis ay nakakamit nila
ang pagsintang ninanais,
di lang dito sa lupa pinagyayaman ang
kanilang damdamin,
pinararating pa nila ito sa mga tala at mga
bituin...
-
ano pa man ang naging kaba ng dibdib nila
noong una,
ano pa man ang pag-alinlangan na pumasok
sa isip nila,
pagibig na tunay sa dilag na nasilayan,
ay humahantong sa altar ng sumpaan ng
pag-ibig na walang hanggan....
-
ang mga kwento nga naman ng dalisay na pagibig,
kay sarap sarap ulit ulitin sa ating mga pandinig,
tulad nitong kwento ng pagibig ng isa kong nakilala..
kahanga hanga talaga ang kwento ng pag-ibig niya.
-
kapag ang pagibig sa isa't isa'y sadyang tunay,
sa mga pusong nagmamahalan, walang katapusang
ligaya ang alay,
maging sa buhay man nila dito sa mundong ibabaw,
o sa langit man, pag-iibigan nila kailanma'y hindi
papanaw..
-
Georgia, June 2, 2012

No comments:
Post a Comment