"Panalangin sa oras ng katahimikan" June 5, 2012, lyrics/melody by lolo bomboy
"Panalangin sa oras ng katahimikan" June 5, 2012, lyrics/melody
by lolo bomboy
"Habang lahat ay tahimik"
letra:
nagdaraan na naman ang katahimikan,
tila ang lahat sa pagiisip ay nasisiyahan,
walang gustong magsalita ng kahit ano,
para mas mapalapit sa Diyos ang tao.
kaya narito naman akong nagsasamantala,
para makapagsulat ng kapirasong kanta,
kahit na ito'y hindi masyadong maganda,
kung may kunting aral ito ako'y masaya na.
sa tahimik na paligid ay may gandang likas,
di tayo naaabala ng ingay na galing sa labas,
ni walang nakakatawag kahit kunting pansin,
nagiging mataimtim tayo sa ating panalangin.
pagdarasal ay di lamang pampalipas ng oras,
ta-os puso akong tumawag sa Poon sa itaas,
bigyan ako ng isang kantang may katuturan,
habang tumatagal pa ng kunti ang katahimikan...
Georgia, June 5, 2012
No comments:
Post a Comment