"Huwag mag-alala sa maling nakita", June 19, 2012, ni lolo bomboy
huwag kang mag-alala Makatang Ligaw,
huwag matakot sa maling napakalinaw,
di naman kita talagang hushusgahan,
sa mga kamalian lang na katulad niyan.
karamihan nama' y nagkakamali,
sa pagsasalita o sa salitang napili,
mahalaga'y malinis ang ating budhi,
di tayo nakaapi sa ating mga kalahi
kahit mali pa ang ating naisusulat.
hindi naman ito pinupunang dapat,
pagnatakot sa ating pagkakamali
baka hindi na tayo magsulat muli...
kung sa ating diwa at ating gawa,
malinis naman ang ating paniniwala,
kunting kamalian na ating napansin,
ibaling na lang sa iba ang paningin..
kung dito ay may mali kang makita,
ikaw na ang bahalang magpasensya,
ang buhay ay ganyang lang talaga,
magpatawad ay ang mas mahalaga...
Georgia, June 19, 2012

huwag kang mag-alala Makatang Ligaw,
huwag matakot sa maling napakalinaw,
di naman kita talagang hushusgahan,
sa mga kamalian lang na katulad niyan.
karamihan nama' y nagkakamali,
sa pagsasalita o sa salitang napili,
mahalaga'y malinis ang ating budhi,
di tayo nakaapi sa ating mga kalahi
kahit mali pa ang ating naisusulat.
hindi naman ito pinupunang dapat,
pagnatakot sa ating pagkakamali
baka hindi na tayo magsulat muli...
kung sa ating diwa at ating gawa,
malinis naman ang ating paniniwala,
kunting kamalian na ating napansin,
ibaling na lang sa iba ang paningin..
kung dito ay may mali kang makita,
ikaw na ang bahalang magpasensya,
ang buhay ay ganyang lang talaga,
magpatawad ay ang mas mahalaga...
Georgia, June 19, 2012
No comments:
Post a Comment