Saturday, April 5, 2014

76 " MASAKIT MAPASUBSUB," SEPT 30, 2013

76. " MASAKIT MAPSUBSUB," 3/4, LYRICS/MELODY BY LOLO BOMBOY, SEPT.30, 2013
-
LYRICS:
-
Tunay mong ganda
Di maitago
Malapit ka man
O sa malayo
Kahit pa mata'y
Di makakita
Paminsan minsa'y
Lumilinaw pa
-
Ka akit akit
mga labi mo
nakakatawag
pansin ng tao
at sa ngiti mo
di maka-iwas
puso'y titibok
pag s'yang namalas
-
pag nakita ka
sa isang araw
pusong kay rupok
T'yak matutunaw
Di man umamin
Sa'yong harapan
T'yak aamin din
Sa'yong likuran
-
Kaya kaylangan
Tibay ng loob
Kasi masakit
Ang mapasubsub
-
Riverdale, GA, Sept. 30, 2013l

No comments:

Post a Comment