77. "TUNAY NA KAGANDAHAN," 3/4 LYRICS/MELODY BY LOLO BOMBOY, SEPT. 29, 2013
-
LYRICS:
-
Hindi ka takot
Ika'y tumanda
Dahil sa ikaw
Ay laging handa
At ang puso mo'y
Pusong dakila
Ito'y handog mo
Sa kay Bathala
-
Di lang panglabas
Ganda mong tangan
Kaya nga ito'y
Pang matagalan
Dala mo ito
Sa 'yong pagtanda
Ganda ng puso'y
Laging halata
-
Kaya tulad mo'y
Sadyang dakila
At sa kapwa mo
Wala kang sawa
Ang pagtulong mo'y
Di nabibilang
Di magtatapos
Magpakaylan man
-
Tunay ang ganda
Ng kalooban
Pang habang buhay
Tunay na yaman
-
Riverdale, GA, Sept. 29, 2013
No comments:
Post a Comment