133. " DI NA KUKUPAS," 3/4, LYRICS/MELODY BY LOLO BOMBOY, JAN. 16, 2014
-
LYRICS:
-
Gumaganda pa
Ang kaybigan ko
Sa araw araw
Kung pagmasdan ko
Ang kanyang ngiti
Lalong kay tamis
Sa aking lumbay
Naka-ka-alis
-
Laging masaya
Ang kanyang mukha
Nakaka-aliw
Sa 'ting gunita
Pag sya'y nakita
Matutuwa ka
Malilimut mo
Mga problema
-
Kaya kaybigan
Salamat sa'yo
Naging masaya
Itong araw ko
Buong maghapon
Iisipin ko
Ganda ng mukha
Na namasdan ko
-
Nang dahil sa'yo
May ali-walas
Dala ng gandang
Di na kukupas
-
JAN. 16, 2014
No comments:
Post a Comment