Friday, March 14, 2014

311. " ANO'NG ATING GAGAWIN," JULY 15, 2013

311. " ANONG ATING GAGAWIN?" 3/4, 
LYRICS/MELODY BY LOLO BOMBOY, JULY 15, 2013
-
LYRICS:
-
Sino'ng maysala
Dumami tayo
Ubod ng dami
Sa bayang ito
Saan pupunta
Ang Pilipino
Saan bang sulok
Sa mundong ito
-
Huli na kaya
Para mabago
Ang pangyayaring
Napapansin mo
Sa dami natin
Ano'ng gagawin
Tayo'y litong-lito
Sa suliranin
-
Saan titira
Lahat sa atin
Saang banda ba
Na may lupain
At may trabaho
Para sa lahat
Para di tayo
Buto at balat
-
Saan pa nga ba
Tayo pupunta
Kung lupa natin
Ay di na kasya
-
15July13, Toronto, Canada

No comments:

Post a Comment