Thursday, March 13, 2014

305. " KUNG ALAM MO LANG," JUNE 4, 2013

305. "KUNG ALAM MO LANG," 3/4, 
LYRICS/MELODY BY LOLO BOMBOY, JUNE 4, 2013
-
LETRA:
-
Nang makita ko
Sikat ng araw
Ako'y sumaya
Biglang sumayaw
Gumanda kasi
Lahat ng bagay
Napawi tuloy
Ang aking lumbay
-
Sa pandinig ko
Awit ng ibon
Maririnig ko
Buong maghapon
Sa saliw nito
Ay aakapin
Mga gunitang
Laging kapiling
-
Kahit wala ka
Sa piling sinta
Iyong larawan
Aking kasama
Sa bawat sikat
Ng araw ngayon
Nando'n din ako
Saan ka naro'n
-
At sa labi ko'y
Laging may ngiti
Nasa puso ko'y
Luha't pighati
-
4June13, Toronto, Canada

No comments:

Post a Comment