Sunday, March 16, 2014

172. " PASYAL MUNA AKO SA KUBO," SEPT. 27, 2013

172. " PASYAL MUNA AKO SA KUBO," 3/4, LYRICS/MELODY BY LOLO BOMBOY,  SEPT. 27, 2013
-
LYRICS:
-
Ako'y dadalaw
Muna sa kubo
Baka sakaling
May makita ako
Ilang kaibigan
Mahihingan ko
Ng tulong nilang
Nilalakad ko
-
May pag-asa pang
Makita sila
Nang makausap
Ng sandali pa
Kailangan ko pa
Na maki-usap
At may oras pa
Akong mangarap
-
Hindi pa huli
Ang aking pakay
Narito sila
Na naghihintay
At ang alam ko
Sila ay handa
Lahat ng oras
Magkawang gawa
-
At sa tingin ko
Sila'y kaibigang
Sa kagipitan
Maaasahan
-
Riverdale, Ga, Sept. 27,2013

No comments:

Post a Comment