Sunday, March 16, 2014

174. " ANG ALAM LANG NIYA," SEPT. 26, 2013

174. " ANG ALAM LANG NIYA," 3/4, LYRICS/MELODY BY LOLO BOMBOY, SEPT. 26, 2013
-
LYRICS:
-
Hating gabi na'y
Naghihintay pa
Sa may bintana
Naka dungaw s'ya
Ang sabi niya'y
Di magtatagal
Ilang saglit lang
Siya ay daratal
-
Kay daming oras
Na naghihintay
At sa ngayon nga'y
Sya'y naglalamay
Saan napunta
Ang sintang mahal
Ba't pagblik niya'y
Ubod nang tagal
-
Umaga na nga'y
Naghihintay pa
Kaya dibdib n'ya'y
Meron ng kaba
Ang kanyang dasal
Sana'y ligtas s'ya
Di napahamak
Ang kanyang sinta
-
Di nya malaman
Dapat n'yang gawin
Ang alam lang n'ya
Ay manalangin
-
Riverdale, GA, Sept. 26, 2013

No comments:

Post a Comment