199. " EWAN KO NGA LANG KUNG NAPANSIN MO," 3/4, LYRICS/MELODY BY LOLO BOMBOY, SEPT. 11, 2013
-
LYRICS:
-
Ako'y nagtanim
Magandang binhi
Sa lupang tigang
Di namayani
Paghihirap ko
Hindi nasulit
Sakit ng loob
Sa aki'y sumapit
-
Pero sa ngayon
Natanggap ko na
May mga punlang
May pag-asa pa
Kahit kahapon
Ako'y nalugi
Baka sakali
Ngayo'y umani
-
At kung hindi man
Ito mangyari
Ang kasawi-an
Dapat iwaksi
Sabi ni Nanay
Sa buhay natin
Ang paghihirap
Minsa'y darating
-
Alam ko namang
Nagkulang ako
Ewan ko nga lang
Kung napansin mo
-
Riverdale, Georgia, Sept. 11, 2012
No comments:
Post a Comment