Sunday, March 16, 2014

173. " ANG AKING LIYAG," SEPT. 24, 2013

173. " ANG AKING LIYAG," 3/4, LYRICS/MELODY BY LOLO BOMBOY, SEPT. 24, 2013
-
LYRICS:
-
Di ko malaman
Bakit kung minsan
Di makatulog
Nang magdamagan
Umaga na nga
Gising pa ako
Dilat na dilat
Mga mata ko
-
Di ko maisip
Ano'ng problema
Bakit ang tulog
Di ko makita
Ano mang antok
Ang s'yang sumapit
Mga mata ko'y
Di din maidlip
-
Higa at bangon
Buong magdamag
Yan ang gawa ko
Tila bagabag
Pero isip ko'y
Sadya'ng panatag
Lalo't katabi
Ang aking liyag
-
Hindi n'yo alam
Kilala n'yo s'ya
Tawag sa kanya
Ay si In-somya
-
Riverdale, GA, Sept. 24,2013

No comments:

Post a Comment