NO.3: " SUMAYA SANA ANG PASKO NILA," 3/4, LYRICS/MELODY BY LOLO BOMBOY, DEC.11, 2013
" SUMAYA SANA ANG PASKO NILA," 3/4, LYRICS/MELODY BY LOLO BOMBOY, DEC.11, 2013
-
LYRICS:
-
Lumalapit na
Muli ang pasko
Kahit may hapdi
Yaring puso ko
Kalilipas lang
Natin sa lindol
Nang humagupit
Bagyong humabol
-
May diwa pa ba
Paskong darating
Sa karamihan
Ng kapwa natin
Ang mga bahay
Nila'y nawala
At kay rami pa
Ang na-ulila
-
At sana naman
Kahit papano
Sila'y sumaya
Sa paskong ito
Biyaya ng D'yos
Sila'y mabigyan
Sa kaarawan
Ni Kristong Mahal
-
Sana'y sumaya
Ang pasko nila
Mga nalindol
At na Yolanda
-
Dec. 11, 2013
-
LYRICS:
-
Lumalapit na
Muli ang pasko
Kahit may hapdi
Yaring puso ko
Kalilipas lang
Natin sa lindol
Nang humagupit
Bagyong humabol
-
May diwa pa ba
Paskong darating
Sa karamihan
Ng kapwa natin
Ang mga bahay
Nila'y nawala
At kay rami pa
Ang na-ulila
-
At sana naman
Kahit papano
Sila'y sumaya
Sa paskong ito
Biyaya ng D'yos
Sila'y mabigyan
Sa kaarawan
Ni Kristong Mahal
-
Sana'y sumaya
Ang pasko nila
Mga nalindol
At na Yolanda
-
Dec. 11, 2013
No comments:
Post a Comment