Sunday, March 23, 2014

140. " KUSANG LOOB, " JAN 15, 2014

140. " KUSANG LOOB," 3/4, LYRICS/MELODY BY LOLO BOMBOY, JAN. 15, 2014
-
LYRICS:
-
Kay dami ko nang
Mga narinig
Pangaral sa 'kin
Sa 'king paligid
Ubod nang ganda
Ang bawat isa
Ang hirap nga lang
Na sundin sila
-
Di ko malaman
Ang dapat gawin
Kahit na ako
Ay masunurin
Gustong gusto
Ako'y matuto
Mabuting asal
Ay masunod ko
-
Sana'y dumating
Araw sa akin
Lahat ng aral
Ay aking sundin
Maging ma-ayos
Itong buhay ko
Lahat ng aral
Ay magawa ko
-
Kaya sa ngayon
Kusang loob ko
Na tutupdin ko
Pangaral ninyo
-
Jan. 15, 2014

No comments:

Post a Comment