Friday, March 14, 2014

317. " KUNG NAGTANONG KA," JULY 18, 2013

317. a song for the day... July 18, 2013

'KUNG NAGTANONG KA," 3/4, LYRICS/MELODY BY LOLO BOMBOY, JULY 18, 2013
-
LYRICS:
-
O aking giliw
Ako'y pakinggan
Hanap hanap ka
Kahit na saan
Dati'y kay saya
Ng buhay natin
Bakit naglaho
Na parang hangin
-
Di makatulog
Kahit na antok
Aking hinagpis
Di ko ma-arok
Anong dahilan
At lumisan ka
Kay hirap palang
Maiwan sinta
-
Labis kang mahal
Yan ang alam ko
Hindi ko nga lang
Nasabi sa 'yo
At bakit nga ba
Ako'y napipi
Di ko nakuhang
Sa'yo'y magsabi
-
Kung nagtanong ka
Bago lumisan
T'yak nagulat ka
Sa 'yong nalaman
-
18July13, Toronto, Canada

No comments:

Post a Comment