Sunday, March 23, 2014

139. " BA'T KA LUMINGON AKING HIRANG?" JAN 15, 2014

139. " BA'T KA LUMINGON AKING HIRANG?" 3/4, LYRICS/MELODY BY LOLO BOMBOY, JAN. 15, 2014
-
Ako nga noon
Ay nagtaka rin
Ika'y lumingon
Di ko napansin
May tiningnan ka
Sa likuran mo
Di ko nga alam
Ano ba ito
-
Natakot ako
At di nagtanong
Pati dila ko
Biglang umurong
Ano'ng dahilan
Di ko malaman
Ba't ka lumingon
O aking hirang
-
Hanggang sa ngayon
Di ko pa alam
Ang naging lihim
Nang nakaraan
Ayaw ko na rin
Ma-ungkat ito
Sama' ng loob
Ma- iwasan ko
-
Nasa sa iyo
Ang kasagutan
Ba't lumingon ka
O aking hirang
-
JAN. 15, 2014

No comments:

Post a Comment