Saturday, March 15, 2014

197. " BUHAY SA NAYON,..." SEPT. 14, 2013

197. "BUHAY SA NAYON,LANGIT ANG KAHAMBING," 3/4, LYRICS/MELODY BY LOLO BOMBOY, SEPT. 14, 2013
-
LYRICS:

ano't kay ganda
ng tanawin dyan
tanong ko nga lang
kung nandyan pa yan
di ko na alam
kung hanggang ngayon
kay ganda pa rin
buhay sa nayon
-
no'ng mga araw
ng nono natin
mundo'y kay luwang
sa 'ting paningin
ta-o'y dumami
mula sa noon
Ating lupain
kulang na ngayon
-
kay palad nila
na dyan tumira
biyaya ng lupa
sagana sila
tubig sa batis
kay linis linis
pati ang hangin
kanais-nais
-
buhay no'ng araw
sa bayan natin
buhay sa langit
Ang s'yang kahambing
-
Riverdale, Ga, Sept.14, 2013

No comments:

Post a Comment