Saturday, March 15, 2014

198. " HANGGANG KAILAN ANG SUMPAAN," SEPT. 13, 2013

198. " HANGGANG KAILAN ANG SUMPAAN," 3/4, LYRICS/MELODY BY LOLO BOMBOY, SEPT. 13, 2013
-
LYRICS:
-

kay gandang dilag
Aking nakita
Para bang rosas
Bagong sibul pa
Nakabihag sya
Ng katulad niya
Binatang paslit
Murang mura pa
-
Sila'y sumunpa
Sa bawat isa
Habang panahon
Pag-ibig nila
Di magmamaliw
Magpakailan man
Pagsintang wagas
Na naramdaman
-
Hanggang kaylan ba
Sila tatagal
Magiging tapat
Na magmamahal
Hindi na kaya
Mabago sila
At ang sumpaan
Malimot nila
-
Kung bakit nga ba
Di pa masabi
Unang pagibig
Mamamalagi
-
Riverdale, GA, Sept. 13,2013

No comments:

Post a Comment