Wednesday, March 12, 2014

234 " ANG MANGGA NI LOLO," AUG. 29, 2013

234. " ANG MANGGA NI LOLO," 3/4, LYRICS/MELODY BY LOLO BOMBOY, AUG. 29, 2013
-
LYRICS:
-
kawawang lolo
Diskwalified na
Mula simula
Ay talo na siya
Dahil ang akda
Ay hindi tula
Kundi nga kanta
Kahit may tugma
-
Ang kalikasan
Ay mahalaga
Mahal ni lolo
Di lang sa kanta
Sa totoo lang
Ay may tanim sya
Puno ng manggang
Hintik mamunga
-
Laking tuwa nga
Nitong si lolo
Pagnagsulputan
Ang bunga nito
Hihihintay nya
Itong mahinog
D'yan sa may puno
Hanggang mahulog
-
Ang mga bata
Na nagdadaan
Mangga ni lolo
Sinusungkit yan
-
August 29, 2013

No comments:

Post a Comment