" ANG TANGI MONG ANGKIN," 3/4, LYRICS/MELODY BY LOLO BOMBOY, SEPT. 6, 2013
-
LYRICS:
-
Bakit nga kaya
Buhay ay ganyan
Na sa pagibig
May salawahan
Di na masyahan
Sa may kandungan
Ng kanyang dilag
Na minamahal
-
Naghahanap pa
Ng bagong sinta
Kahit na siya'y
Meron ng isa
Namamangka raw
Sa dal'wang ilog
Kahit masaktan
Ang unang irog
-
Mga kaibigan
Di daw tama yan
Dapat nga lang daw
Na minsanan lang
Pag umibig na
Tama na'ng isa
H'wag nang maghanap
Ng ka sosyo pa
-
Ngunit magingat
May araw ka rin
Baka maputol
Tangi mong angkin
-
Markham, Ontario, Sept. 6, 2013
No comments:
Post a Comment