" ATING IPAGBUNYI, GANDA NG ASAL, NG ATING LAHI," 3/4, LYRICS/MELODY BY LOLO BOMBOY, SEPT. 7, 2013
-
LYRICS:
-
Ang mahalaga
Dito sa mundo
Di ang panglabas
Ganda ng tao
Gandang panGloob
Ang ating tingnan
Dapat purihin
Sa kanino man
-
Kung di maganda
Ang ating asal
Baka sa ati'y
Walang magmahal
Kung ating yaman
Ay ninakaw lang
Hindi din tayo
Kagalang-galang
-
Kaya kaibigan
Mata ay buksan
Idilat ito
Sa kabutihan
Ganda ng taong
May kalooban
Ating purihin
Magpakaylanman
-
Pilitin natin
Na ipagbunyi
Ganda ng asal
Ng ating lahi
-
@ Riverdale, GA, Sept. 7, 2013
No comments:
Post a Comment