Wednesday, March 12, 2014

263 " H'WAG ISALANG," AUG. 16, 2013

263. " H'WAG ISALANG,' 3/4, LYRICS/MELODY BY LOLO BOMBOY, AUGUST 16, 2013
-
LYRICS:
-
H'wag magtatampo
O aking giliw
Pagibig sa'yo'y
Di nagmamaliw
H'wag maniwala
Kung kanino lang
Narito ako
Iyong pagkinggan
-
Kasi kung minsan
May maririnig
Nanlalamig daw
Aking pagibig
Pero dapat lang
Na patawarin
Ang sabi nila'y
H'wang nang pansinin
-
Hayaan nating
Makita nila
Tapat nga tayo
Sa bawat isa
Nagmamahalan
Tayong dalawa
Kahit ano pang
Sabihin nila
-
Pag-i-ibigan
Nating dalawa
H'wag mong isalang
Sa duda nila
-
Toronto, Ontario , August 16, 2013

No comments:

Post a Comment