Thursday, March 13, 2014

270 " H'WAG MAGKASALA," JUNE 29, 2013

270. " H'WAG MAGKASALA," 3/4, LYRICS/MELODY BY LOLO BOMBOY, JUNE 29, 2013
-
LYRICS:
-
Kahit na saan 
Ang Pilipino
Pagnakasala
Kawawa ito
Wala s'yang awa
Na matatamo
Dahil nga ba siya
Ay Pilipino?
-
Ang sabi nila
Iba ang tingin
Sa nagkasalang
Sa U.S. galing
Ang amerkano
Ay mas magaling
Di nila kayang
Ito'y paslangin
-
Bakit pag Pinoy
Ang nahatulan
Parusahang bitay
Di nababalam
Ano mang iyak
Ang ating gawin
kababayan natin
T'yak babarilin
-
Kapwa Pinoy ko
Mas mabuti pa
H'wag kang gumawa
Ng di maganda
-
29June13, Toronto, Canada

No comments:

Post a Comment