Wednesday, March 12, 2014

228. " ITONG BINATA," SEPT. 4, 2013

228. " ITONG BINATA ", 3/4, LYRICS/MELODY BY LOLO BOMBOY, SEPT. 4, 2013
-
LYRICS:
-

Sumisilip ka 
Sa may bintana
T"wing nagdaraan
Itong binata
Nahihiya ka
Na makita nya
At masabi niya
Na gusto mo sya
-
Habang panahon
Naghihintay ka
Sa bahay ninyo
Ay dalawin ka
Hindi mo alam
Binatang ito
Ay matagal nang
May gusto sa'yo
-
At sa ngayon nga
Matanda ka na
Mga anak mo'y
Nag-asawa na
Nandyan ka pa rin
Sa may bintana
Sumisilip ka
Sa tila wala
-
Ano'ng nangyari
Itong binata
Nasa kama n'yo
At nakahiga
-
Markham, Ontario, Sept.4, 2013

No comments:

Post a Comment