Thursday, March 13, 2014

289. " LAHAT MATITIIS KO," JUNE 13, 2013

289. " LAHAT MATITIIS KO," 3/4, LYRICS/MELODY BY LOLO BOMBOY, JUNE 13, 2013
-
LYRICS:
-

ako''y naluha
nang maisip ko
may mga bagay
dito sa mundo
na nais ko ngang
maging totoo
sa bawat dasal
hiling ko ito
-
laging dalangin
para sa mahal
ligaya niya
sana'y dumatal
lahat ng bagay
para sa kanya
ang s'yang hiling ko
na makamtan niya
-
sana'y palarin
ako kaibigan
na mabigyan ko
ng kasiyahan
ang tanging mahal
habang may buhay
hanggang sa langit
ang aking alay
-
lahat ng hirap
matitiis ko
kung liligaya
tanging giliw ko
-
13JUNE13, TORONTO, CANADA

No comments:

Post a Comment