237. "LAKAS NG SAMBAYANAN DAMDAM NA NATIN," 3/4, LYRICS/MELODY BY LOLO BOMBOY, AUGUST 26, 2013
-
LETRA:
-
Gising ka na ba
Aking kaibigan
Mulat ka na ba
At lumalaban
Ang pagnanakaw
Sa ating kaban
Dapat mahinto
Ating pigilan
-
Kaya gising na
At maki-isa
At taong bayan
Hinihintay ka
Handa na sila
Sa 'yong pagdating
At bayang mahal
Ating sagipin
-
Ang bukas natin
Ating bantayan
Mga tiwali'y
H'wag nang lubayan
Nagsimula na
Ang pagbabago
At sana na nga
Tuloy na ito
-
Ang bagong lakas
Ng sambayanan
Tiyak na ngayong
Nararamdaman
-
August 26, 2013
No comments:
Post a Comment