Wednesday, March 12, 2014

224. " PAGBATI SA IYONG KAARAWAN KATOTO," JULY 2, 2013

224." PAGBATI SA IYONG KAARAWAN," 3/4, LYRICS/MELODY BY LOLO BOMBOY, JULY 2, 2013
-
LYRICS:
-

Katotong Amang 
Birthday mo pala
At ang bati ko'y
Mas sumaya ka
Mula sa ngayon
Araw at gabi
Ngiti sa labi
Ay mamutawi
-
Dasal ko na rin
Na kalusugan
Ay makamtan mo
Magpakailan man
Madagdagan pa
Mga tula mo
Dahil sa tuwang
Handog ng ito
-
Mahabang buhay
Ay mapasa 'yo
Sa piling lagi
Ng pamilya mo
At Hari nawa'y
Maging totoo
Ibang pangarap
Nitong buhay mo
-
Salamat naman
At dumating na
Araw na ito
Dala ay saya
-
2July13, Toronto, Canada

No comments:

Post a Comment