Thursday, March 13, 2014

286. " AKO'Y PATAWARIN," JUNE 16, 2013

286. " AKO'Y PATAWARIN," 3/4, LYRICS/MELODY, BY LOLO BOMBOY, JUNE 16, 2013
-
LYRICS:
-
kay dami namang
Mabuting ama
Parang ako lang
Ang naiiba
Bakit ba ako
Naging Ama pa
Kung di ko kaya
Tungkulin niya
-
Nakakahiya
Ako sa tao
Hindi maganda
Ang ugali ko
Kaya nga ngayon
Di na 'ko pansin
Mga supling ko
Ilag na sa 'kin
-
Ang kasalanan
Ay galing sa 'kin
Lahat ng sisi'y
Tanggap ko na rin
Tangi kong hiling
Kung tatanungin
Mga sala ko
Ay patawarin
-
Sa araw ngayon
Inyong tanggapin
Pagsisi ko'y
H'wag n'yong limutin
-
16June13, Toronto, Canada

No comments:

Post a Comment