287. "SINO ANG MAYSALA," 3/4, LYRICS/MELODY BY LOLO BOMBOY,JUNE 13, 2013
-
LYRICS:
-
Meron pa kayang
Magandang bukas
Para sa bayan
Ng Pilipinas
Sa araw araw
Pawang lungkot lang
Ang mababasa
Sa pahayagan
-
Sino nga kaya
Ang s'yang lulutas
Sa kakulangang
Di nagwawakas
Mga mahirap
Mahirap pa rin
Ano na kaya
Ang dapat gawin
-
Sino'ng maysala
Sa pangyayari
Ang bayan nati'y
Namumulubi
Kay dami namang
Mayaman dito
Ba't naghihirap
Maraming tao
-
Kay daming kotse
D'yan sa langsangan
kaya nga trapek
Kahit saan man
-
13June13, Toronto, Canada
No comments:
Post a Comment