Thursday, March 13, 2014

292. " ANO ANG SAGOT N'YO?" JUNE 12, 2013

292. a song for a day... June 20, 2013 

" ANO ANG SAGOT N'YO?" 3/4, LYRICS/MELODY BY LOLO BOMBOY, JUNE 12, 2013
-
LYRICS:
-

Ano pa kaya
Ang hinaharap
Ng bayan natin
Na nangangarap
Ano pang bukas
Ang naghihintay
Sa mga taong
Gustong mabuhay
-
Kay dami na nga
Ng Pilipino
Daang milyon na
Ngayon daw tayo
Ang lupa natin
Di na lumaki
Walang trabaho
Ano't kay rami
-
Ang magnegosyo'y
Kay hirap na rin
Mga puhunan
Hirap hanapin
Trabaho'ng labas
Sa ating bayan
Baka magwakas
Paano na 'yan
-
Ano'ng pag-asa
Ang meron tayo
Tila wala na
Ano'ng sagot n'yo
-
12June13, Toronto, Canada

No comments:

Post a Comment