293. a song for a day....June 19, 2013
" MGA SALITA SA ROMBLON BIGYAN NATIN NG TU-ON", JUNE 12, ,2013, LYRICS/MELODY BY LOLO BOMBOY
-
INTRO: kanta din ito ng pasasalamat sa mga kaibigan kong sina Ish Fabicon, Bobot Marin Prado, sa kanilang pagpapalaganap sa mga salita natin doon sa Romblon...at sa kaibigan kong si Wilson Berano, dahil sa kanya ako natuto magsulat ng kanta o tula sa Romblomanon kahit hindi pa ito purong puro..
-
letra:
-
totoo, dapat mahalin natin ngayon
mga salita nating lahat doon sa Romblon
ang Romblomanon, Unhan at ang Asi
dapat talagang matutuhan ng lahat kasi
-
ito ang leksyon na s'yang nadinig ko
Kay Ish Fabicon, at kay Bobot Marin Prado
Sa pagsulat kay Wilson Berano ako natoto
Kanta't tula sa Romblomanon kahit papano
-
Maraming salamat pansin ko'y tinawag n'yo
Malaking pasalamat din kay Wilson Berano
Kundi hindi pa nang dahil sa inyong tatlo
Magsulat sa Romblomanon hindi ako natoto
-
Pero kung nagsusulat sa ibang salita ang tao
Tulad ng English o Tagalog o iba pa nilang gusto
Hindi naman siguro nila gustong sabihin noon
Hindi na nila mahal ang mga salita sa Romblon
-
Kaya ngayon masarap na pakiramdam ko
Kanta sa Romblomanon nakagawa na ako
Una nga sa lahat ang " SA SIPI, SA ROMBLON
"MI ULTIMO ADIOS," naisalin ko sa Romblomanon
-
Itong pasko ay sa Romblomanon sinulat ko
Kantang 'BUENAS DIAS PASKWA" ang titulo
"SIMBANG GABI KO SA ROMBLON" ay ang isa pa
At sa Romblomanon ng "SILENT NIGHT" na kanta
-
Pero siempre nagsusulat pa rin naman ako
Kanta sa English at Tagalog kahit papano
Yan ay mga salita din namang napag-aralan ko
Para makakita ng maganda- gandang trabaho
-
Kaya kung nagsusulat sa ibang salita ang tao
Tulad ng English o Tagalog o iba pa nilang gusto
Hindi naman siguro nila gustong sabihin noon
Hindi na nila mahal ang mga salita sa Romblon
-
12June13, Toronto, Canada
No comments:
Post a Comment